Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na sapat ang suplay ng kuryente sa panahon ng tag-init.
Ayon sa NGCP, walang inaasahang power interruptions ngayong summer maliban na lamang kung magkakaroon ng hindi naka-iskedyul na maintenance shutdown at kung tataas ang demand na lagpas sa inaasahan.
Ipinabatid ng NGCP, tinatayang aabot sa 9, 870 megawatts ang demand sa kuryente sa ikatlong bahagi ng Mayo.
Sa kabila nito, nananatili namang nasa 11,220 megawatts ang peak supply o katumbas ng 1,000 megawatts na reserbang enerhiya.
Conserve energy
Kasabay nito, muling nanawagan ang NGCP sa publiko na magtipid sa kuryente.
Ito ay sa kabila ng pagtiyak ng ahensya na sapat ang suplay ng kuryente sa nalalapit na panahon ng tag-init.
Ayon sa NGCP, iniiwasan nilang numipis ang suplay dahil sa napakataas na demand sa kuryente.
Payo ng ahensya, gawin ang pamamalantsa ng damit tuwing gabi o tuwing weekend upang hindi makadagdag sa peak demand tuwing weekdays partikular sa hapon.
Giit ng NGCP, mahalaga stable na suplay ng kuryente upang maiwasan ang mga brownout na malaking perwisyo para sa publiko.
By Ralph Obina