Sapat sa pangangailangan ng publiko ang suplay ng kuryente hanggang sa mga susunod na linggo.
Ito’y ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, batay sa kanilang pagtaya sa demand sa kuryente kung saan hindi inaasahan ang mga alert notice tulad ng yellow at red alert.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Energy, binigyang diin ni Cusi na upang magarantiyahan pa ring hindi kukulangin ang suplay ng kuryente, kailangang tuparin ng National Grid Corporation of the Philippines ang pangako nito na gagawin nang firm contract o naka-kontrata ang reserba nitong kuryente.
Hindi aniya pupupuwdeng bahala na lang ang availability ng reserba kapag kinulang ang suplay ng kryente.
Iniulat naman ni Energy Regulatory Commission Chairperson Agnes Devanadera na nung Hunyo 18, nagpulong sila ng DOE at NGCP.
May napag usapan na raw doon na ico-convert sa firm contract ang mga non-firm na reserbang kuryente ng NGCP. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)