Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na sasapat ang suplay ng kuryente sa araw ng halalan sa Mayo 13.
Ayon kay Energy Assistant Secretary Redentor Delola, kanilang inaasahang magiging mababa ang consumption o paggamit ng kuryente sa araw ng halalan dahil idineklara na ito bilang special non-working holiday.
Gayunman sinabi ni Delola na hindi naman sila makatitiyak kung magkakaroon ng sapat na suplay sa mga susunod na araw matapos ang halalan o ang mga araw ng bilangan.
Una nang sinabi ng Meralco na naghahanda na sila para sa isang contingency plan sakaling tamaan ng rotaional brownout ang ilang mga presinto sa May 13 Elections.