Tiniyak ng Department of Energy na stable ang supply ng langis sa bansa sa kabila ng lumalaking global demand nito dahilan ng patuloy na pagtaas ng presyo.
Aminado si Energy Assistant Secretary Gerardo Erquiza na kabilang ang Pilipinas sa may malaking demand sa krudo pero kulang naman ang supply.
Ayon kay Erquiza, inatasan na nila ang local suppliers na tiyaking may maitatabi silang supply na magagamit sa loob ng 15 araw o hanggang isang buwan, depende sa produkto.
Sa datos ng DOE, aabot na sa P6.5¢ kada litro ang itinaas ng presyo ng gasolina, P15 sa diesel at P12.74¢ sa kerosene, sa nakalipas na halos dalawang buwan.
Kahit anya nasa 103 bilyon barrels ang global demand kada araw ay 100 bilyon lamang kada araw ang nabibigay na supply kaya’t aabot sa 2.9 hanggang 3 bilyon barrels ang kulang bawat araw.
Samantala, bukas naman ang kagawaran sa pakikipag-dayalogo sa iba pang stakeholders sa posibleng pagbibigay ng subsidiya sa transport sector.—sa panulat ni Drew Nacino