May sapat na suplay ng langis ang bansa hanggang sa katapusan ng taong 2022.
Ito ang siniguro ni Rodela Romero, assistant director ng Bureau of Oil Industry ng Department of Energy
Sa Laging Handa briefing sinabi ni Romero na base sa mga imbentaryo at monitoring nila sa mga kumpanya ng langis higit pa sa isang buwan ang suplay ng langis sa bansa.
Kaugnay nito, patuloy ang paalala ni Romero sa publiko ng mga pamamaraan para makatipid sa konsumo sa langis at kuryente.
Bagaman may rollback aniyang inaasahan sa mga susunod na linggo sa mga produktong petrolyo, hindi aniya alam ang magiging kasunod nito.
Gamitin aniya ang power of choice o tignan ang mga web page ng mga kumpanya ng langis at DOE kung saan makikita ang listahan ng mga gasolinahan na nagbibigay ng diskwento at dito magpakarga para makatipid.