Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na nagpalabas sila ng import permit sa bansang China para magsuplay ng luya sa bansa.
Ito’y upang matugunan ang sobrang mahal na presyo ng luya sa mga pamilihan na nasa halos P200 ang kada kilo dahil sa kakapusan ng suplay nito.
Ngunit ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, wala pa ring negosyante ang kumukuha sa kanila ng import permit upang makatanggap ng papasok na stock.
Ikinatuwa rin ng kalihim ang masigasig na pagtatanim ng luya ng mga taga-Negros Occidental kaya’t tiniyak nito ang pagtulong ng ahensya upang maparami pa ang produksyo nito at madala sa Metro Manila.
By Jaymark Dagala