Sapat ang suplay ng manok sa bansa.
Tiniyak ito sa DWIZ ni Agriculture Secretary William Dar matapos ipabatid na nasa halos 100 araw pa tatagal ang suplay ng manok.
Samantalang mas malaki naman aniya ang imbentaryo ng baboy ngayong taon dahil sa African Swine Fever, bagamat uubra naman itong punan ng iba pang protina.
Sinabi pa ni Dar na tututukan nila ang presyuhan ng baboy at manok lalo na ngayong papalapit na ang Christmas season para hindi magkaroon ng food inflation.
Mayroon pa rin tayong problema sa ASF, pero ang imbentaryo natin ngayon, base rin doon sa mga cold storages din, ay mas malaki ang imbentaryo this year than last year, kasi, ‘yun nga, matumal nga ang business. Halos kasya, mayroong konting tightness on the supply,” ani Dar.
Ipinabatid ni Dar na sapat din ang suplay ng bigas sa bansa hanggang matapos ang taong ito.
Rice, we have enough inventory. Ang datos natin, 92 to 97 days by the end of the year, meaning, we have more than enough,” ani Dar. —sa panayam ng Santos at Lima sa 882