Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng manok sa bansa hanggang matapos ang 2021.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar nauna nang nagtakda ng price ceiling sa manok dahil sa pagtaas ng presyo nito sa merkado.
Ipinabatid din ni Dar ang pagdami ng mga naaaning gulay ngayon ng mga magsasaka.
Masasabi kasi umanong unti-unti nang nakabangon ang mga magsasaka na naapektuhan ng mga nakalipas na kalamidad na dumaan sa bansa.
Aminado man si Dar na maraming silang kinakaharap ngayon ngunit nagagawan din naman ito sa solusyon at natutulungan ng sektor.