Tiniyak ng United Broiler Raisers Association (UBRA) sapat ang suplay ng manok.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Atty. Bong Inciong, presidente ng UBRA, kabilang sa posibleng dahilan ng pagtaas ng presyo ng manok ay dahil sa mataas na demand nito.
Nakaapekto aniya rito ang panahon at maging ang pangangampanya ng mga kandidato.
Aniya, malalaman sa darating na weekend kung gagalaw ang demand ng manok.