Sapat ang suplay ng karne ng baboy at manok para sa darating na kapaskuhan.
Ito ang tiniyak ng Department of Agriculture (DA).
Sinabi ni Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban na sa kanilang pagtataya, hindi magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng karne ngayong holiday season.
Dagdag pa niya, magiging maayos ang suplay ng baboy sa loob ng 61 araw pagkatapos ng huling quarter ng 2022.
Inaasahan naman ang surplus sa suplay ng karne ng manok sa ika-apat na quarter ng taon.
Wala rin aniyang magiging kakapusan sa suplay ng bigas sa darating na taon.
Samantala, nakapagpanatili ang bansa 60 araw na buffer stock para masiguro ang pagiging matatag ng suplay at presyo ng mga bilihin sa susunod na taon. —sa panulat ni Hannah Oledan