Sapat ang suplay ng mais, bigas, asukal, karne ng baboy, manok, at iba pang mga pangunahing pangangailangan o basic necessities para sa mga susunod na buwan.
Ito ang sinabi ni Department of Agriculture Usec. Roger Navarro sa kabila aniya ng umiiral tagtuyot.
Batay sa rice supply at demand outlook para sa 2024, nananatiling stable ang suplay ng bigas sa bansa hanggang sa katapusan ng taon.
Habang sapat naman ang suplay ng itlog hanggang sa 6 na buwan partikular na ang sibuyas, asukal, at isda.
Sinabi ni Agriculture Usec. Navarro na ang mais ay sapat hanggang sa huling quarter ng 2024 o may 42 days na buffer stock at maging ang karneng baboy at manok.
Samantala, tiniyak naman ni Task Force El Niño Spokesperson at Communications Assistant Secretary Joel Villarama ang sapat na suplay ng tubig at kuryente sa metro manila at sa mga lalawigan. – sa panunulat ni Jeraline Doinog