Siniguro ng National Food Authority (NFA) na sapat ang suplay ng bigas sa mga lugar na apektado ng pagputok ng bulkang Taal.
Ayon kay NFA administrator Judy Dansal, 24 oras na bukas ang kanilang mga operation centers.
Anila, ang kanilang mga empleyado ay handang umalalay sa mga lokal na pamahalaan at mga evacuees.
Samantala, aabot naman sa halos 2-milyong sako ng bigas ang mayroon sa mga warehouse ng NFA sa Southern Tagalog na lubhang naapektuhan ng pagputok.