Nanganganib na namang maubos ang suplay ng mga lisensyang ipinalablabas ng Land Transportation Office o LTO.
Ito ang naging babala ng ahensya makaraang harangin ng Manila Regional Trial Court branch 49 ang kontratang pinasok ng LTO sa kumpaniyang Allcards Plastics Incorporated.
Ayon kay LTO Spokesman Jason Salvador, gagawin nila ang lahat ng mga remedyong ligal upang hindi mabalam ang pagpoproseso at pagpapalabas ng mga lisensya sa mga motorist.
Partikular aniyang maaapektuhan ng nasabing desisyon ay ang mga Pilipinong naghahanap ng trabaho at iyong may mga trabaho na sa ibayong dagat.
By Jaymark Dagala