Sapat ang suplay ng mga pagkain sa mga pamilihan sa Metro Manila hanggang sa pagsalubong ng bagong taon.
Ito ang tiniyak ng Department of Agriculture kung saan kabilang ang bigas, meat products, mga gulay, isda at prutas sa mayroong sapat na suplay.
Ayon sa DA, nag-iikot ang mga tauhan ng departamento kasama ang DTI at LGU upang matiyak na walang magaganap na pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo na’t mataas ang demand ng mga pagkain hanggang sa pagpasok ng bagong taon.
Sinusubaybayan ng DA ang Mega Q-Mart at Kamuning Public Market sa Quezon City para matiyak ang suplay at presyo ng pagkain.
Kaugnay dito, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DA, DTI at National Price Coordinating Council para matiyak na mananatiling stable ang suplay at hindi pagdagsa ng mga imported goods sa mga pamilihan.