Posibleng magkaroon na ng suplay ang Pilipinas ng bagong COVID-19 oral drug na Molnupiravir bago matapos ang taon.
Ayon kay Infectious Disease Expert Rontgene Solante, nakikita na malaking benepisyo ang pinag-aaralang gamot na Molnupiravir para sa mga senior citizen o 60 pataas, may mga comorbidities tulad ng may sakit sa puso at obese.
Paliwanag ni Solante, ibibigay ang nasabing gamot sa mga mild hanggang moderate cases at hindi sa mga may severe symptoms.
Samantala, ipinabatid ng FDA na ilang ospital na rin sa bansa ang kasama sa clinical trials para sa gamot na Molnupiravir.
Bukod dito, nasa proseso na rin aniya ang pag-a-apply ng Compassionate Special Permit (CSP) pa sa nasabing gamot.