Walang dapat ikabahala sa papaubos na suplay ng NFA rice.
Ito ayon kay National Food Authority (NFA) Spokesperson Rebecca Olarte ay dahil malapit na ang anihan at bibili na sila ng palay sa mga magsasaka kaya’t sa susunod na buwan ay posibleng bumalik na sa normal ang suplay ng NFA rice.
Dahil dito, nanawagan si Olarte sa mga magsasaka na suportahan ang NFA kahit mas mababa ang presyo nila kumpara sa mga pribadong bumibili ng palay.
Bukod dito, ipinabatid ni Olarte na hinihintay pa nila ang ‘go signal’ para sa pag-angkat ng bigas sa Vietnam, Thailand at Cambodia, at manumbalik ang buffer stock ng NFA.
Una ditto, tiniyak ng Malacañang na kumikilos ang pamahalaan para solusyunan ang kakulangan sa suplay ng bigas ng NFA.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, gumagawa na sila ng mga hakbang para tugunan ang naturang problema.
Matatandaang kinuwestyon ni Senadora Nancy Binay ang mga hakbang ng NFA Council hinggil sa bumababang suplay ng NFA rice.