Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang supply ng noche buena products sa bansa.
Nag-ikot kahapon sa ilang supermarket sa lungsod ng Makati ang monitoring team ng DTI upang alamin ang supply ng noche buena items.
Tiniyak ng DTI sa pamamagitan ni Consumer Protection Bureau Director Anselmo Adriano, na walang problema kung kaya’t wala rin umanong inaasahang pagtaas sa mga presyo nito hanggang sa pagsapit ng Pasko.
Bukod dito, ayon pa kay Adriano marami umanong mga brands na maaaring pagpilian ng mga mamimili depende sa abot ng kanilang budget.
Kasabay nito, ipinaskil na rin ng DTI ang Suggested Retail Price (SRP) ng mga noche buena items na siyang magsisilbing gabay ng mga mamimili.
By Mariboy Ysibido