Patuloy ang pagnipis ng supply ng oxygen tank sa ilang lalawigan sa Mindanao sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Kinumpirma ng DOH – region 9 na kabilang sa apektado ang Zamboanga Del Sur makaraang mahirapan ang supplier mula Cagayan De Oro City sa pag-supply ng dahil sa COVID surge sa naturang lungsod.
Ayon kay Region 9 Regional Director, Dr. Joshua Brillantes, hanggang noong Martes ay nasa 200 oxygen tanks na ang idineliver sa lalawigan.
Samantala, inihayag ni Trade Secretary Ramon Lopez na tatlong oxygen manufacturers ang nagsimula nang mag-deliver ng mga tangke sa Mindanao.
Sa kabila nito, nananatili namang sapat ang oxygen supply sa Metro Manila.
Batay sa datos ng DOH, 655 tons ng oxygen tank ang konsumo ng bansa kada araw habang ang produksyon ay nasa 800 tons kada araw.—sa panulat ni Drew Nacino