Nananatiling sapat ang supply ng mga nakareserbang oxygen tank sa lahat ng district hospital sa lungsod ng Maynila kabilang na sa Manila COVID-19 field hospital.
Batay sa datos ng Manila Health Department, sa kabuuang 2,090 oxygen tanks, 374 ang kasalukuyang ginagamit; 1,305 ang nakareserba habang 411 tangke ang wala nang laman.
Magugunitang pinaghandaan ng Maynila ang pagbili sa mga oxygen tanks sa posibleng pagtaas muli ng bilang ng tatamaan COVID-19 sa lungsod.
Ito’y upang maiwasan ang kakulangan ng tangke sa oras ng kailanganin ng mga pasyente.—sa panulat ni Drew Nacino