Muling tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng pagkain hanggang sa bansa hanggang sa katapusan ng 2020.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes, may 94 na araw na buffer stock ng bigas ang bansa.
Habang umaabot naman sa 230 araw ang suplay ng poultry o manok.
Samantala, sa pinakahuling datos ng kagawaran, pumapalo na sa P1.37-bilyon ang kabuuang halaga ng pinsala sa agrikultura ng pananalasa ng bagyong Ambo.
Sinabi ni Reyes, pinakaapektado rito ang mga high value crops tulad ng saging, papaya at iba pang mga putas at gulay na umaabot sa P915-milyon ang halaga ng pinsala.
Nasa P318-milyon naman ang halaga ng pinsala sa mga palayan, P62-milyon sa mga maisan, at P42.4-milyong sa mga palaisdaan.
Pagtitiyak ni Reyes, patuloy ang pamimigay ng ayuda ng kagawaran sa mga naapektuhang magsasaka at mangingisda ng pananalasa ng bagyong Ambo.