Tiniyak ni Department of Agricultre Secretary William Dar na sapat ang suplay ng pagkain sa bansa.
Sinabi ito ng kalihim bilang tugon sa posibleng krisis sa pagkain sa huling bahagi ng taon na ibinabala ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Incorporated bunsod ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay Dar, may 92 araw na imbentaryo ng bigas ang bansa simula ngayong Mayo.
Habang ang sobra naman ang suplay ng gulay, isda, manok at baboy.
Samantala, may inihandang hakbang ang gobyerno para sa posibleng krisis sa pagkain.
Ito ang; local feeds formulation and production, food mobilization, urban agriculture, food mobilization at balance fertilization strategy.
Marso pa lamang ngayong taon nang inilatag ng DA ang nasabing hakbang para masolusyunan ang nagbabantang krisis sa pagkain.