Nangangamba ang mga residente sa Puerto Rico na magkaubusan ng suplay ng pagkain makaraang manalasa ang hurricane Maria sa kanilang lugar.
Ayon kay Puerto Rican Governor Ricardo Rosello, hirap makabangon ang kanilang mga mamamayan lalo’t wala pa ring suplay ng tubig hanggang ngayon.
Gayunman, pinapurihan ni Rosello ang Amerika dahil sa mabilis na pag-ayuda nito mula noong unang araw na manalasa ang nasabing sama ng panahon.
Magugunitang sampu ang naitalang patay habang nasa mahigit isang milyong residente ang apektado dahil sa nasabing kalamidad.
—-