May kakulangan sa suplay ng paputok sa bansa.
Ito ang inamin sa DWIZ ni Joven Ong, Presidente ng Philippine Fireworks Association (PFA) dahil nagmahal ang presyo ng mga raw materials sa paggawa ng paputok.
Sinabi rin ni Ong na nuong nakaraang taon pa nagkakaroon ng shortage sa mga paputok bunsod na rin ng epekto ng pandemya sa Pilipinas.
Samantala, ipinabatid naman ni Ong na hindi na posibleng umabot sa bisperas ng bagong taon ang mga ibinebentang paputok.