Inaasahang babalik na sa normal ang supply ng paracetamol, na maaaring gamitin bilang gamot sa mild COVID-19 symptoms.
Ito, ayon kay Trade and Industry Assistant Secretary Ann Claire Cabochan, ay matapos dagdagan ang imbentaryo sa mga botika.
Sinimulan na anya ng malalaking drugstore na mag-replenish ng suplay ng paracetamol at iba pang over-the-counter drugs.
Nilinaw ni Cabochan, Head ng DTI-Consumer Protection Group na hindi problema ang supply dahil sadyang mataas ang demand sa paracetamol kaya’t nagkaroon ng “temporary stockout” sa ilang botika.
Tiniyak naman ng DTI official na sobra ang supply lalo’t tuloy-tuloy ang produksyon ng paracetamol gaya ng dati.