Inaasahang darating ngayong buwan ang supply ng COVID-19 vaccines ng Pfizer-Biontech.
Ito ay ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na posibleng dumating ang Pfizer vaccines bago matapos ang buwan ng Abril.
Magugunitang, noong Pebrero unang inasahan ang pagdating ng supply ng naturang bakuna mula sa COVAX facility ng World Health Organization.
Ngunit naantala ito dahil kulang sa dokumento para sa indemnification ng gobyerno.
‘Yung legal paper ng Pfizer baka po dumating ang 195K na Pfizer na mula po sa COVAX nangako rin po sila na kapag naayos po namin lahat ang bilateral agreements namin baka dumatin din po ang 2.4 million na early delivery ng Pfizer base sa 2nd quarter,“pahayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez.
Dagdag ni Galvez, darating na rin sa bansa ang dagdag na suplay ng Coronavac vaccines ng Sinovac mula sa China.
So yung first delivery ng Sinovac yung 500k noong April 11 almost consumed na po ito sir yung 500k . So darating na naman po yung another Sinovac na 500k na darating this coming week,“wika ni Galvez.—sa panulat ni Rashid Locsin