Nanganganib ng maubos sa loob ng isa hanggang dalawang linggo ang kanilang mga personal protective equipment (PPE) para sa kanilang health workers na tumutugon sa pangangailangan ng mga pasyenteng may coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Dr. Jonas Del Rosario, tagapagsalita ng PGH, nakadepende ang demand ng kanilang PPE sa dami ng pasyenteng may COVID-19 na tinutugunan ng kanilang mga health workers.
Ani Del Rosario, habang dumadami ang pasyente ay mas maraming magsusuot ng PPE.
Itinatapon na rin umano nila ang mga protective suits pagkagamit nito upang hindi naman aniya malagay sa alanganin ang kaligtasan ng kanilang health workers.
Magugunitang isa ang PGH sa inatasan ng Department of Health (DOH) na maging referral hospital para tumanggap ng mga pasyenteng may COVID-19.