Sapat ang suplay ng pulang sibuyas hanggang sa Disyembre.
Ito ang inihayag ni General Manager Arnel Llamas ng katipunan ng mga samahang magsisibuyas sa Nueva Ecija base sa kanilang konsultasyon sa Bureau of Plant Indutry (BPI) dalawang linggo na ang nakalipas.
Pero, patuloy naman aniyang magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng puting sibuyas.
Binigyang diin pa ni Llamas na nasa tatlong daan limampung libong sako ng sibuyas ang inani nila noong pebrero hanggang kalagitnaan ng Marso.
Sa nabanggit na bilang, 50 sako rito ay puting sibuyas.
Samantala, sinabi ni Llamas na nabenta na ang lahat ng puting sibuyas na nasa kanilang storage facilities noong nakaraang buwan.