Nagbabala ang Sugar Regulatory Administration (SRA) na hindi na sapat ang suplay ng raw sugar sa Pilipinas.
Ito ay matapos mapilitan ang mga manufacturer na kumuha ng lokal na suplay nito na limitado na lamang sa merkado.
Sinabi ni SRA administrator Hermenegildo Serafica na maraming manufacturer ngayon ang bumibili ng raw sugar upang iproseso bilang refined sugar para sa kanilang consumption.
Batay sa datos ng SRA, nasa 49 hanggang 71 pesos na ang kada kilo ng raw sugar sa mga pamilihan ngayong buwan mula sa dating 41 hanggang 56 pesos.
Habang 58 hangang 70 pesos naman ang presyo nito sa mga palengke kumpara sa P43 hanggang P48 kada kilo noong nakaraang taon.