Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP na sapat ang suplay ng bagong salaping pera at barya sa bansa.
Sa gitna ito ng inaasahang pagtaas ng demand sa bagong pera bilang aguinaldo at regalo ngayong Holiday season.
Ayon sa BSP, batay sa kanilang datos mula Oktubre 2019 hanggang Disyembre 2021, ang pagtaas sa demand ng pera ay magsisimula sa Oktubre at magpapatuloy hanggang Disyembre ng bawat taon.
Kabilang sa mga salaping in-demand sa publiko ay ang 1000 peso bill, 100 pesos, 50 pesos, at 20 pesos.
Inabisuhan naman ng BSP ang publiko na ipapalit ang kanilang lumang salapi at mga barya sa bangko, upang makakuha ng bago ng walang karagdagang bayad.