Tinutulan ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. ang naging pahayag ng Bureau of Plant Industry na aabot hanggang Setyembre ang stock ng puting sibuyas.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PCAFI President Danilo Fausto na mabubulok na sa September ang white onions na naka-stock sa cold storage.
Dahil dito, giit pa ng Pangulo, tuwing Disyembre nagha-harvest ang mga magsasaka.
Binigyang diin pa ni Fausto na huwag dapat mag-import ng sibuyas sa oras ng pag-aani ng mga magsasaka.