Pinag-aaralan na ng Department of Agriculture ang suplay ng sibuyas sa bansa matapos mapaulat na umabot na sa P400 ang presyo ng kada kilo sa ilang pamilihan at supermarket.
Ayon kay DA assistant secretary at spokesperson Kristine Evangelista, inaalam na nila kung gaano kalaki ang volume na aanihin upang makadagdag sa supply ng sibuyas.
Batay naman sa kanilang monitoring, pumalo na sa P280 ang bentahan ng kada kilo ng red onions habang may ilang nagbebenta sa presyong P300 kada kilo.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang kagawaran sa Bureau of Plant Industry upang malaman ang dahilan ng pagmahal ng pulang sibuyas.
Titiyakin din ng ahensya kung makasasapat sa demand ng publiko ang aanihing pulang sibuyas. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla