May sapat na thermal paper ang Commission on Elections o COMELEC na siyang gagamitin sa overseas absentee voting sa Abril 9.
Ito ang pagtitiyak ng COMELEC kahit pa magsasagawa pa lamang sila ng bidding para sa mga gagamitin sa regular na eleksyon sa Mayo 9.
Ayon kay COMELEC Chairman Andy Bautista, wala silang problema sa mga gagamiting thermal paper para sa pag-iimprenta ng mga resibo na tatagal ng isang buwan.
Magugunitang inihayag ni COMELEC Commissioner Christian Robert Lim noong isang linggo na itinakda nila sa Abril 5 ang bidding para sa mga gagamiting thermal paper para sa mga vote counting machines.
By Jaymark Dagala