Muling tiniyak ng Inter Agency Task Force (IATF) ang sapat na suplay ng tubig, kuryente at pagkain sa panahon ng pinalawig na enhanced community lockdown.
Ayon kay IATF Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, buong iibigay ng National Water Resources Board ang 46 cubic meter per second na alokasyon ng water concessionaires hanggang sa katapusan ng Abril upang hindi magkaroon ng water interruption sa panahon ng ECQ.
Batay naman aniya sa report ng Department of Energy (DOE), mahigit 11,000 megawatts ang aktuwal na kapasidad ng mga power plants o sobra ng mahigit sa 4,000 megawatss sa aktual na pangangailangan ng bansa.
Tuloy-tuloy rin anya ang pagkilos ng Department of Agriculture (DA) upang matiyak ang sapat na suplay ng bigas at pagkain sa mga lugar na sakop ng ECQ.