Suplay ng tubig nakakaabot na sa mga matataas na lugar ng QC sa tulong ng Integrated distribution network solutions.
Sa paghahatid ng tubig sa mga nasasakupan ng Manila water lalo na sa mga matataas na lugar ay nananatiling isang malaking hamon para kumpanya lalo na sa Lungsod ng Quezon. Ang topography ng Lungsod ng Quezon ay masasabing rolling terrain kaya ang suplay ng tubig ay nananatiling hindi tuloy-tuloy maski na sa ground floor level. Ang mga sumusunod na mga barangay ay nakakaranas lamang ng suplay ng tubig ng mahigit kumulang na walang oras kada araw: Pasong Tamo, Pingkian, Teacher’s Village, Matandang Balara, Pinyahan at Central.
Mula noong nagka-problema sa suplay ng tubig noong buwan ng Marso, ang East Zone concessionaire na Manila Water ay nag-impleneta na ng ilang mga teknikal na solusyon upang matugunan ang paghahatid ng tubig sa mga kostomer nito. Kung may tubig na ang mga kabahayan sa mga mas mabababang lugar, ang pagtulak ng tubig sa mga matataas at malalayong lugar at nananatiling malaking hamon. Isang integrated distribution network ang kailangan upang maihatid ng patas ang suplay ng tubig para sa mga kostomer.
Sa mga matataas na lugar o rolling terrains, naglagay ang Manila water ng mga line boosters at pumps upang maipahatid nito ang suplay ng tubig sa mga lugar kung saan ito kailangan na kailangan. Sa Lungsod ng Quezon, mahigit sampung line boosters na and nailagay ng Manila Water kasabay ng looping at installation ng mga karagdagang linya ng tubig para mas maihatid ang tubig lalo na sa mga lugar ng Teacher’s Village, Pinyahan at Central.
Kinakailnagan ding regular na gawin ang throttling ng mga balbula at bantayan mabuti ang mga adjustments para masiguradong makakarating ang tubig sa lahat ng kostomer ng Manila Water lalong lalo na sa mga matataas na lugar ng mga nasabing mga barangay.
Isa sa mga malaking intervention ay ang palaging pag-refill ng 20 million liters ng Luzon Reservoir na nagbibigay ng tubig sa mga matataas na lugar sa Lungsod ng Quezon kasama ang mga sumusunod na mga barangay: Matandang Balara, Pingkian and Pasong Tamo. May kaakibat na isang line booster sa reservoir na ito kung saan tumutulong mapunuan nito ang nasabing pasilidad. Ang kombinasyon nitong mga teknikal na solusyon ay ang sanhi kung bakit mas nagkakatubig na ng mahabang oras.
Mula Mayo 23, 99% na ng mga kostomer ng Manila Water ang nakakaranas na ng tubig ng mahigit kumulang 8 oras kada araw na suplay ng tubig sa ground floor level na may regulatory standard na 7 psi (pounds per square inch). Nagawa ring mabawasan ng Manila Water ang pagkukulang sa suplay ng tubig sa konsesyonaryo nito mula 150 million liters per day (MLD) na ngayo’y 43 MLD na lamang. Ito ay resulta ng supply augmentation programs kung saan 50 to 56 MLD ay nagmumula sa Cardona Water Treatment Plant sa Rizal, 32-34 MLD mula sa mga muling pinagana at inayos na mga deepwells at 20 MLD mula sa cross border flows.
Nagsagawa ang Manila Water ng ilang ‘technical solutions’ upang mapaabot ang tubig sa matataas na lugar pati na rin doon sa mga komunidad na malayo sa mga pasilidad. Nasa kaliwang larawan ang Luzon Reservoir na mayroon kapasidad na 20 million liters (ML), na kasalukuyan nang nagseserbisyo sa ilang bahagi ng Matandang Balara, Pasong Tamo, and Tandang Sora. Makikita naman sa kanang larawan ang ‘line booster’ na inilagay sa National Kidney Transplant Institute (NKTI) upang mapalakas ang pressure ng tubig sa loob ng ospital para sa mas maaasahang suplay ng tubig.