Mananatili pa rin ang limitasyon ng suplay ng tubig sa Maynilad at Manila Water.
Ito’y sa kabila ng patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa Angat Dam.
Ayon kay NWRB Exec. Dir. Sevillo David Jr., mananatili ang 36cubicmeters/second na alokasyon ng tubig mula sa Angat dam para sa dalawang water concessionaires dahil malayo pa ang normal operating level ng dam.
Ani pa David, dapat ay umabot ito sa 180meters bago dagdagan ang alokasyon ng tubig.
Umaasa naman si David na magpapatuloy ang ulan na siyang magdadagdag pa ng tubig sa dam.
Kasabay nito nanawagan si David sa publiko na patuloy pa rin na magtipid sa paggamit ng tubig.