Nananatiling sapat ang suplay ng tubig para sa Metro Manila ngayong tag-init.
Ayon sa PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration Hydro-Meteorological Division, wala pang problema ang Metro Manila sa suplay ng tubig na nagmumula sa Angat Dam, sa Bulacan.
Gayunman, nakikiusap ang Metropolitan Manila Water Sewerage System o MWSS sa publiko na magtipid lalo’t kapansin-pansin ang biglang pagtaas ng konsumo sa tubig simula noong kalagitnaan ng Marso.
Ipinapayo ng PAGASA at MWSS sa publiko na mag-ipon na lamang ng tubig sa mga batya at drum sa halip na magbukas ng gripo.
By Drew Nacino
*Photo Credit: CNN PH