Balik na sa normal ang suplay ng tubig sa apat na lugar sa Metro Manila.
Ito ay matapos tuluyan nang matapos ang repair sa pipeline na tinamaan ng Triple 8 Construction & Supply Inc., isang third-party contractor na gumagawa ng drainage project sa lugar.
Ang mga lugar na may suplay nang tubig ay ang Maynila, Pasay, Parañaque, at Las Piñas.
Ayon sa Maynilad Water Services, binuksan na ang isinarang valve at kasalukuyan nang nagsasagawa ng flishing upang mapalinaw pa ng tubig.
Bagaman mabilis ang naging pag-aayos, pinayuhan ng Maynilad ang publiko na hayaan munang dumaloy ang tubig para luminaw.