May sapat na tubig ang Magat dam na magagamit para sa susunod na cropping season sa Region 2 at ilang bahagi ng Cordillera Administrative Region (CAR).
Ito ang tiniyak ni Engineer Carlo Ablan, Division Manager ng National Irrigation Administration- Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) kung saan ang water elevation nito hanggang alas sais ng gabi kahapon ay nasa 183.38 meters at may 200 cubic meter per second na inflow o pumapasok na tubig.
Samantala, target niya na simulan sa unang linggo ng Mayo ang pagpapadaloy ng tubig sa mga irigasyon para sa naturang season. – sa panulat ni Airiam Sancho