Sapat ang suplay ng tubig sa buong Metro Manila gayundin sa mga karatig lalawigan na umaasa sa Angat Dam.
Ito ang pagtitiyak ng National Water Resources Board o NWRB kasunod ng patindi pa ng patinding epekto ng El Niño sa bansa.
Ayon kay NWRB Dir. Sevilio David, napanatili sa 42 cubic meters per second ang alokasyon ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS bunsod ng pagtaas ng lebel ng tubig sa Angat Dam.
Maliban dito, sinabi ni David na kanila ring dinagdagan ng 3 cubic meters per second ang alokasyon ng tubig para sa National Irrigation Administration kaya naman nasa 35 cubic meters per second na ngayon ang alokasyon para sa patubig sa mga palayan.
Batay sa pinakahuling monitoring ng PAGASA Hydromet Division sa Angat Dam, nasa 217 meters na ang lebel ng tubig dito.
By Jaymark Dagala