Muling tiniyak ng National Water Resources Board (NWRB) na hindi sila magbabawas ng supply ng tubig para sa mga residente sa Metro Manila ngayong buwan.
Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr, walang magiging pagbabago sa alokasyon para sa Metro Manila na nasa 48 cubic meters per second na mula sa Angat Dam.
Gayunman, iba anya ito sa nabawasang supply para sa mga irigasyon na bumaba sa 5 cubic meters.
Hanggang kahapon, bahagyang tumaas sa 190.82 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam kumpara sa 190.72 meters noong Sabado.