Hindi magbabawas ng suplay ng tubig ang National Water Resources Board (NWRB) para sa mga residente sa Metro Manila ngayong buwan.
Ayon kay Sevillo David Jr. Executive Director ng NWRB, walang magiging pagbabago sa alokasyon ng tubig sa Metro Manila na nasa 48 cubic meters per second na kinukuha mula sa Angat dam.
Pero iba ito sa nabawasang suplay para sa mga irigasyon na bumaba sa 5 cms.
Hanggang kahapon, nasa 190.72 meters na ang lebel ng tubig sa Angat Dam at 16.74 meters sa Bustos Dam. —sa panulat ni Abby Malanday