Sa gitna ng mainit na panahon, tiniyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na hindi kukulangin ang supply ng tubig sa Metro Manila at iba pang mga karatig lugar nito.
Ayon kay MWSS acting Deputy Administrator Patrick Dizon, nakapag-ipon sila ng sapat na supply ng tubig ngayong summer season.
Sa kasalukuyan aniya ay nasa 208 meters ang antas ng tubig sa Angat dam sa Bulacan, na pangunahing pinagkukunan ng tubig sa kalakhang maynila at iba pang kalapit na probinsya.
Dagdag pa ni Administrator Dizon, nabawasan na rin ang dependency ng Metro Manila at iba pang mga probinsya sa Angat dam dahil nag-operate na ang ibang pang mga dam at inaasahan na ring magbubukas ang Wawa dam.—sa panulat ni John Riz Calata