Tiniyak ng pamunuan ng Manila Water na sapat ang suplay ng tubig sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Jeric Sevilla, tagapagsalita ng Manila Water, tuloy-tuloy aniya ang suplay ng tubig sa east zone.
Dagdag pa ni Sevilla, dinagdagam din ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig para sa kanilang kumpanya na umaabot na ngayon sa 48-cubic-meter per second.
Paliwanag ni Sevilla, ito’y maliban na lamang kung magkakaroon ng mga emergency repairs sa ilang mga lugar.
Samantala, batay sa datos, mataas ang antas ng tubig sa Angat at La Mesa dam, kumpara sa lebel nito noong nakaraang taon.