Aminado ang Malakanyang na mahirap hanapin ang Western-brand vaccines laban sa COVID-19.
Ito ang tugon ni Presidential Spokesman Harry Roque sa ulat na nagpakita ng mababang pagtanggap o “low acceptability” ang Davao City sa mga bakunang gawa ng China lalo na sa Sinovac at Sinopharm.
Ayon kay Roque, sadyang mayroong global shortage ng vaccine supply at hindi nag-iisa ang pilipinas sa mga bansang nahihirapang kumuha ng western brands ng bakuna.
Mas makabubuti anyang paalalahanan ang mga pilipino na ang lahat ng COVID-19 vaccines na inaprubahan para magamit ay epektibo.
Samantala, umabot na sa 64.9 million vaccines ang nakuha ng pilipinas at mahigit kalahati nito o nasa 36 milyon ay Sinovac habang ang Pfizer vaccine ang “most preferred” sa hanay ng Western brands.—sa panulat ni Drew Nacino