Hindi umano naibibigay ng pamunuan ng Philippine National Police o PNP ang mga pangangailangan ng mga pulis na itinalagang magbantay sa APEC Summit.
Natuklasan ng DWIZ Patrol na sinasabing hindi sapat ang supply na nakukuha nila sa kanilang pagkakatalaga sa APEC security task force sa Mall of Asia o MOA.
Una nang nangako ang PNP na sisikapin nitong maibibigay sa tinatayang 3,0000 pulis ang kanilang mga pagkain, personal hygeine, at iba pang mga pangangailangan.
Gayunman, iginiit ng dalawang PO1 o police officers 1 na ayaw magpabanggit ng pangalan na kahapon ay almusal lamang ang kanilang natanggap habang limitado naman ang mineral water na ibinibigay umano sa kanila.
Nabasa rin umano sila nang umulan kahapon dahil tanghali na naibigay sa ang kanilang mga kapote.
By Jelbert Perdez | Allan Francisco