Sapat ang suplay ng tubig sa buong bansa.
Ito ang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng mga pagsisikap ng pamahalaan na mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa buong bansa.
Ayon kay Pangulong Duterte, gagawin ng pamahalaan ang lahat para sa maayos na distribusyon ng tubig sa taumbayan.
Magugunitang paulit-ulit ang paaalala ng Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa palagian at wastong paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon bilang hakbang para makaiwas sa COVID-19.
Basta kung walang distribution I am warning you and warning everybody I will industrialize the water industry and government will do the construction and we will force the issue kasi hindi madadala sa legal legal yang tubig pati pagkain,” ani Duterte.