Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang international partners ng bansa dahil sa kanilang patuloy na suporta sa pamahalaan sa pagkamit ng kapayapaan.
Sa isang mensahe sa Sumisip, Basilan, ibinahagi ni Pangulong Marcos na minsan nang nabahiran ng karahasan at terorismo ang probinsya; ngunit ngayon, isa na itong “zone of peace.”
Aniya, naging posible ang peace process dahil sa suporta ng United Nations Development Program (UNDP) at pagpopondo ng pamahalaan ng Japan sa ilalim ng Assistance for Security, Peace, Integration, and Recovery (ASPIRE) program.
Nakatulong din ang aktibong pagtanggi ng mga residente sa karahasan.
Matatandaang bumisita si Pangulong Marcos sa Basilan upang pangunahan ang pamamahagi ng economic package para sa mga sumukong miyembro ng mga rebeldeng grupong nagbabalik-loob sa pamahalaan.