Muling umani ng papuri mula sa Climate Change Commission (CCC) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos tiyakin ng kanyang administrasyon na pag-uukulan ang climate resiliency at sisiguruhing magiging matibay ang mga itatayong imprastraktura ng pamahalaan.
Pahayag ni CCC Vice Chairperson at Executive Director Robert Borje, ito’y sumasalamin sa hangarin ng Presidente na maging climate resilient ang Pilipinas.
Maituturing din aniyang patunay ang pagkakalakip ng ‘climate change and resilience’ sa Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028 na isusulong ng administrasyon sa pamamagitan ng ‘whole of government approach’ na para sa CCC ay welcome development.
Sinabi ni Borje na malinaw din ang commitment ng Marcos administration para labanan ang epekto ng pabago-bagong klima matapos taasan ng 56% ang badyet ngayong taon o P453.1 bilyon mula sa P289.7 bilyon noong nakaraang taon.
Paliwanag pa ni Borje, indikasyon ito na hindi isinasantabi o prayoridad ng administrasyong Marcos ang transformative climate change agenda.