Nanawagan ng suporta sa mga Pinoy ang Philippine Azkals sa kanilang pagsabak sa 2016 AFF Suzuki Cup, simula sa Sabado.
Umaasa sina Azkals Player Misagh Bahadoran at James Younghusband na daragsain ng Pinoy fans ang Philippine Sports Stadium sa Bocaue, bulacan bilang suporta sa kanilang game kontra Singapore.
Magugunitang nabawasan ang mga spectator sa mga game ng Philippine National Football Team sa nakalipas na mga taon partikular ang friendly matches sa Rizal Memorial Stadium kabilang ang kanilang 1-0 win kontra Kyrgyzstan noong miyerkules.
Aminado sina younghusband at Bahagdoran na malaking puntos para sa kanila at itinuturing na “booster” o pampalakas ng loob ang homecrowd.
Magsisimula ang game ng Pilipinas kontra Singapore alas-8:00 ng gabi sa November 19 habang makahaharap ng national team ang Indonesia sa November 22 at Thailand sa November 25.
By Drew Nacino