Nananatiling buo ang suporta ng Armed Forces of the Philippines sa nagbabalik nilang hepe na si gen. Andres centino.
Tiniyak din ng AFP na mataas pa rin ang kanilang morale sa kabila ng pagpapalit ng liderato sa kabila ng kumakalat na ulat na Destablization plot.
Ayon kay AFP spokesman, Col. Medel Aguilar, normal ang sitwasyon at walang dapat na ikabahala ang publiko.
Inihayag naman ni Army Spokesman, Col. Xerxes Trinidad, Professional Organization ang sandatahang lakas at nirerespeto at sinusuportahan nila ang anumang desisyon ng commander-in-chief na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kampante anya sila na susuportahan ni Centino ang Philippine Army upang maging ‘world-class land force’ sa taong 2028, Philippine Navy at Airforce, sa pag-protekta sa interes ng bansa.